Tuesday, December 13, 2005

windang ang byuti ko!!!!

hay naku!!! eto na naman ako... parang naaalala ko lang ang blog ko kapag nalulungkot ako at naghahanap ng kausap!!! my gudnez!!! kase naman, ang aking labopmylayp me pinagkakaabalahan atang iba!!!
ang aking bagong labopmylayp... korek!! bagong labopmylayp!! na hanggang ngayon e windang pa rin ang utak ko kung ano na nga ba ang nangyayari! ganito kasi yun... tinganing nganing nganing...
kay bilis ng mga pangyayri na kahit kaming 2 e hindi makapaniwala na kami na nga ngayon.. ngunit datapwa't sapagkat!!!... maraming mga bagay na nagiging hadlang.. (wow! parang teleserye!) bekaws, meron syang long time girlfriend na ang alam ko e wala na sila bgo ako pumasok sa eksena.. tapos nung medyo umeeksena na ang byuti ng lola mo ayan na!! medyo nawindang na ang lola mo, ayaw pumayag ni girlfriend na mawala si fafa sa kanya!! syempre naman no! siguro kahit ako ganun din gagawin ko kung talagang love ko diva! e ang inyong lingkod e medyo malambot ang puso, naguilty naman ako at may i promise pa to help her na bumalik si fafa sa kanya na hindi ko naman nagawa, medyo me bonding na kasi kami ni labopmylayp.. to cut the story short.. e wla na sila ngayon, ako na raw ang pinili ni labopmylayp... kaso ang problema e eto.. wala na raw sila pero si girlfriend nandun lagi sa bahay nila!!! o my gudnez!!! pano naman ang byuti ko, medyo naeechapwera ata.. di ko ata feel yun!! dun na nga ako galing noon... hanggang ngayon ba ganun pa rin ang kapalaran ng aking lablyp!!!! nakakalungkot lang na hangang ngayon hindi ko alam kung san ako lulugar... hindi ako makakilos ng gusto kong ikilos dahil inaalala ko rin yung ibang tao na nsa paligid ko... ayan, naging siryus na tuloy ako... huhuhuhu... nahihirapan ako, kaya eto!! ikaw na naman ang kinanausap ko!!... hay, tama na ang drama at baka bumaha na naman dito!!!

lapit na krismas!!! ano kaya magiging hapening ko??? magiging masaya kaya krismas ko???!!! abangan!!!!

Wednesday, November 16, 2005

maraming salamat

maraming salamat po sa lahat ng tulong na iyong ibinibigay sa aming lahat.. sa bawat umaga na iyong ipinagkakaloob... sa pagiingat sa mga mahal ko sa buhay... sa lahat ng pagsubok na aming napagdadaan... sa lakas ng loob na iyong ibinibigay... sa pagpapatuloy ng aming buhay...
thank you lord...

baket??!!

bakit ba twing magpopost ako e ayaw lumabas ng ipinopost ko???!!!!! laging title lang!!! ano ba i2!!!

Monday, November 14, 2005

para sayo

i just want u to know that i am here for you... and i am willing to help you and comfort you... in all your problem, kasama mo ako, nandito lang ako kung kailangan mo ko.. just be open to me... gusto ko ring maging maayos ang lahat... ayoko rin ng kaaway at hangat maaari ayoko rin ng may galit sakin... hindi man ako ganun ka showy ng pagmamahal ko, i want you to know that ur very important to me and i am happy when im with u... i hope that ur happy also when ur with me... i love you...

para sayo...

i just want u to know that i am here for you... and i am willing to help you and comfort you... in all your problem, kasama mo ako, nandito lang ako kung kailangan mo ko.. just be open to me... gusto ko ring maging maayos ang lahat... ayoko rin ng kaaway at hangat maaari ayoko rin ng may galit sakin... hindi man ako ganun ka showy ng pagmamahal ko, i want you to know that ur very important to me and i am happy when im with u... i hope that ur happy also when ur with me... i love you...

Tuesday, October 18, 2005

Depressed!

hay! ang lola nyo... depressed na.. stressed pa... ano ba ito!!! masyadong maevent ang buhay ko nitong mga nagdaang linggo... hindi ko na ata carry ang mga nangyayari... tapos sabayan pa ng kinatatakutan kong mangyari..... haaaaaayyyyy!!!! sad tuloy ako... mya ko na lang ikuwento...

Monday, September 26, 2005

bago at luma

something came up in my life that i didn't expect to happen... and im happy..... i don't know if this is it.... its to early to tell... i hope everything turns out fine... saka ko na lang ididitalye kwento hehehe....

c N naman, ayun! ewan ko ba kung marunong na ring mambola at parang binobola ako... napansin pala nya na dumidistansya ako sa kanya, ilang buwan na raw akong parang hindi naglalambing... e yun pa naman kahit gustong maglambing hindi magsasalita, uutusan ka at dapat ikaw ang maglambing! my gudnezzzz! anyways, ayun na nga! nag tx cya ng nagpapacute at me mwah pang kasama! e di nagulat ang lola mo noh!... hindi naman kasi nagtetext sakin yun ng ganon, sa mga babae nya oo pero sakin hindi... then ang ginawa ko ibinalik ko s kanya yung sinend nya sbay sabing na wrong send ka ata, hindi akin to! sumagot para sakin daw yun! aba! at naloka na naman ang byuti ko! kailan pa natuto tong taong to na magpacute! dati naman daw kaming nagtetext ng mga sweet nothings nawala na lang daw... pero cyempre hindi naniniwala ang byuti ko noh! ang nasa isip ko talagang para sa iba yun na na wrong send lang talaga at binibigyan nya ng justice yung ginawa nya para nga naman hindi mapahiya... tapos ngayon ano! wala na! para na namang bulang nawala!!! ni ha! ni ho! wala na naman! pag tatawag cya ganun na naman! aawayin na naman ako!!! hay naku! ewan! manhid na talaga ako! lalo tuloy akong tumatanda sa kunsumisyon! my gudnezzzzz!!! ngayon, hindi nako affected kesehodang mambabae cya ng mambabae... wala na ata akong pakialam at ayoko ng pakialaman... hindi ko nga lang alam kung pano sasabihin sa kanya na kung pwede e wala na kaming pakialamanan...

Tuesday, August 16, 2005

what a day

lately i am mentally stressed until now... kakaisip ng kung anu ano! na iniisip ko kung ano ang mangyayari kapag wala na akong trabaho... syempre kasama na dun ang lovelife ko, ano na kaya ang mangyayari sakin at sa kanya... malaking pag aadjust to para sakin... and i really dont know what to do!!!! kasabay siguro ng pag alis nya papuntang u.s. yun din yung time na mawawalan nako ng trabaho... sad talaga ako, para bang they will do something talaga para mawala ako sa paningin ni N... sana nga hindi ganon... pero yun ang tumatakbo sa isip ko...

aalis na naman cya, ni hindi pa nga nya sinasabi sakin kung ano na ang plano nya... ako kailangan ko na talagang magsalita... pag naapunta cya dito.. kailangan ko ng ilabas lahat ng kinikimkim kong sama ng loob!!!! "naks ang drama" wish ko lang magawa ko,,, pag nakita ko na kasi cya, wala na!!! wala nakong masabi!! dahil alam ko magdedebate lang kami at cya na naman ang mananalo!!! palagi naman eh!!! kelan bako nagkaron ng boses sa lugar na to!!! wala ata akong matandaan???????
anyways, siguradong bakbakan na naman bukas dito at nandito na hari! este ang reyna pala...

sana lang pag umalis ka papuntang u.s. hindi moko makalimutang itext man lang... how i wish...

Sunday, August 14, 2005

Fear

im not yet ready to loose my job... pero i don't have any choice... nag aaral pa kapatid ko na ako ang sumusuporta... pati sa pamilya ko.. malaking kawalan.. hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos nito... tapos wala pa akong makausap man lang dito... o mapagsabihan ng problema ko... ni hindi ko nga alam kung hangang kailan ako dito... me problema rin siguro sa pag iisip ko... hindi ko pa kasi matanggap on the positive side tong mga nangyayari... puro negative yung tumatakbo s utak ko ngayon.....

my gulay!!!!! crayola effect na naman ang lola !!!
naover work ata ako,, masakit tuloy ang mga butu buto ko.. wala pa namang manghihilot sakin.. minsan iniisip ko kung kailangan ba talaga natin ng lalaki sa buhay... e puro sakit lang naman ang ibinibigay sa mga babae.. bihira na talaga ngayon ang lalaking faithful.. wala pa ata akong nakikitang ganun.. halos lahat ng nameet at nakilala kong lalaki puro me mga itinatagong fling!!! pag wala ka namang Bf malungkot din naman..
ang mas malungkot yung naturingang ma BF ka pero parang wala rin.. ni hindi ka man lang kamustahin kung kumain ka na.. ni hindi mo maaya na lumabas dahil ayaw talaga nya.. ni hindi ko maitanong sa kanya kung anu ginawa mo sa maghapon dahil for sure ang isasagot sakin ay " ano na nman yang drama mo?!" at ang masakit sa lahat hindi ka nya maipagmalaki na ikaw ang GF nya.. ni hindi ka mahawakan pag may ibang taong nakatingin.. sad talaga diba... minsan naman ramdam mo na mahal ka nya, pero mas marami yung pagkakataong hindi mo maramdaman... parang gusto mo na tuloy sumuko.. ang hirap talaga lalo na kung malaki ang agwat nyo sa estado ng pamumuhay...
eto pa isang dagdag... hindi ako umui samin sahil nga wala pang sweldo, tapos ni tawg o text man lang galing sa mga kapatid mo at magulang ay wala!!! pag hihingi ng pera, hewebes pa lang nagtatanong na kung uui ako!! nalulungkot talga ako ngayon dito... lalo na't wala ako kahit isang kaibigan dito na napaglalabasan ng sama ng loob ko... kausapin ko na lang si Lord..

Friday, August 12, 2005

kainis!!!

ayan na naman! umaariba na naman si madam claudia! kasalanan ko na naman kahit hindi!! my gudnezz! hangang kailan kaya ganito.. lalo akong nawawalan ng self confidence sa ginagawa nya sa totoo lang.. sana naman hipuin cya ni Lord para gumanda ang mood nya.. nakakatamad tuloy magtrabaho... buti na lang nanjan c *tut* medyo nakontrol nya ang sitwasyon... hay! ang hirap talagang maging mahirap.. at ang ulan naman!!! ayaw paawat!!! magtu two weeks na atang umuulan, mahal na mahal talaga ng bagyo ang pilipinas... hindi tuloy matapos tapos ang project namin dito.. kaya lang pagnatapos nato bka kasabay na rin akong matapos a.. mag-aaral nga ako diba.. di pa ata buo ang desisyon ko... kailangan ko cigurong magpunta sa ina ng laging saklolo para humingi ng tulong...

Thursday, August 11, 2005

Sana!!!!

i've been working for 8 years, noong una assistant ng sekretarya tapos naging tagapag pamahala ng laundry shop, then after that naglagay din kami ng money changer dun din sa laundry shop so i have to take a seminar regarding sa mga dolyares na yan.. kung pano malalamang counterfeit o orig. then nagkaroon ng problema nawala ang laundry shop at money changer, then nagtayo naman ng restaurant sa mall... nag operate cya for 5 years until naging mahina na ang market o sadyang wala na talagang pera ang mga tao dito, sinara na rin.. i manage it, pero tinginko hindi ko ngawa ang lahat para maging maganda ang takbo ng resto.. or hindi ko pa talaga kayang humawak ng kayraming tauhan.. then now we have a project na hangang ngayon ay nahihirapan kaming ibenta... lahat ng business na yan isa lang ang amo ko... then ngayon, my boss offered me something na pag aaralin daw nya ako ng college kumuha daw ako ng nursing.. i only finished second year high school, so kailangan ko pang kumuha ng acceleration test para makapag college ako.. i want to learn pero natatakot ako.. na baka hindi ako makapasa, na baka madis appoint yung tutulong sakin.. kailangan ko na ring itigil ang trabaho ko which is difficult for me dahil hindi ko alam kung ako kukuha ng pang suporta sa sarili ko... naguguluhan ako... kakaisip... tingin mo anong dapat kong gawin???

Friday, August 05, 2005

Tag-ulan!

Ganda ng umaga ko.. imagine 5am pa lang nakabantay nako sa ulan at baka bahain ang opisina ko! my gulay.... pag minamalas ka nga naman o.. at mag hapon umuulan ngayon infairnezzzz! tinawagan nako ni papa kaso ang bozez!!! naka angil na naman... hmp!!! feeeling nya talaga patayna patay talaga ako sa kanya at pwedeng laging ganun ang attitude nya sakin.. hmp!! tingnan natin.... baka nakakalimutan nyang nasa huli ang pagsisisi!! hehehe... cencya napo.. nagpi feeeling maganda lang ako..

Wednesday, August 03, 2005

Okey na Rin

hello... tapos na naman ang isang araw sa opizzz.. dumating ang labs ko kanina... medyo gumaan ang loob ko, namiz kocya infairnez! kaya lang parang hindi nyako namiz..
lungkot pa rin ako e.. ewan ko ba!! nasobrahan ata tong puso ko sa kanya!! kaya hayan tuloy!! kung anuano ang naiisip ko kapag hindi cya nagtetx o tumatawag.. babaero kasi e!!
hindi ko alam kung tama nga yung ginigawa ko na ituloy yung relationship with him.. para naman kasing walang nangyayari.. akala mo sa pelikula lang nangyayri yung mga eksenang ayaw sayo ni madir... na kung anu anong masasamang salita ang maririnig mo... hay!!! na expiriyenz ko yun!! ewan nga kung bakit hangang ngayon nagpapakatanga pa rin ako sa kanya.. e hindi naman naniniwala sa kasal yung taong yun!!...
cguro darating din ang araw at magigising din ako sa katotohanan...
some other time ikukukwento ko ang buhay ko.. pero wag muna ngayon ha.. la nakong oraz e!! hehehe... pinapatawa ko na lang ang sarili ko.. pero ang totoo nyan e sad talaga ako sa mga pangyayari sa haybu ko ngayon..

Monday, August 01, 2005

Hay Tenk yu!!

hay salamat po! at naimbento itong blog na ito... at least ngayon, kahit wala akong makausap dito... me pagkakaabalahan naman ako... kayo na lang ang kakausapin ko! hehehe....

anyways, hayways, i hope to have more friends here...