Thursday, August 11, 2005
Sana!!!!
i've been working for 8 years, noong una assistant ng sekretarya tapos naging tagapag pamahala ng laundry shop, then after that naglagay din kami ng money changer dun din sa laundry shop so i have to take a seminar regarding sa mga dolyares na yan.. kung pano malalamang counterfeit o orig. then nagkaroon ng problema nawala ang laundry shop at money changer, then nagtayo naman ng restaurant sa mall... nag operate cya for 5 years until naging mahina na ang market o sadyang wala na talagang pera ang mga tao dito, sinara na rin.. i manage it, pero tinginko hindi ko ngawa ang lahat para maging maganda ang takbo ng resto.. or hindi ko pa talaga kayang humawak ng kayraming tauhan.. then now we have a project na hangang ngayon ay nahihirapan kaming ibenta... lahat ng business na yan isa lang ang amo ko... then ngayon, my boss offered me something na pag aaralin daw nya ako ng college kumuha daw ako ng nursing.. i only finished second year high school, so kailangan ko pang kumuha ng acceleration test para makapag college ako.. i want to learn pero natatakot ako.. na baka hindi ako makapasa, na baka madis appoint yung tutulong sakin.. kailangan ko na ring itigil ang trabaho ko which is difficult for me dahil hindi ko alam kung ako kukuha ng pang suporta sa sarili ko... naguguluhan ako... kakaisip... tingin mo anong dapat kong gawin???
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
well... kung ako tatanungin mo, tanungin mo muna yung bossing mo kung ano ang catch after na pag-aralin ka ng nursing. at bakit naman kaya nursing napili nya? pero kung type mo rin naman ang nursing, mas mabilis kang makakarating sa ibang bansa kung nursing ang kurso mo. pero tanungin mo nga muna amo mo kung ano ang kapalit at baka naman nakatali ka na sa kanya por eber en eber noh? wag na lang. pero kung sasabihin nya na wala, type ka lang nyang pag-aralin, aba! grab mo na sis! ang mga doctors nga ngayon, nag-aaral ng nursing makaalis lang ng pinas sa mabilis na paraan. :)
bakit nursing? becoz meron ding agency ang boss ko na nagpapaalis ng mga nursing at PT papuntang us as an immigrant kahit na newly graduate.. sabi nya kaya ko raw yun.. kaso, nagdadalawang isip pa ata ako.. hehehe..
Post a Comment