Tuesday, August 16, 2005

what a day

lately i am mentally stressed until now... kakaisip ng kung anu ano! na iniisip ko kung ano ang mangyayari kapag wala na akong trabaho... syempre kasama na dun ang lovelife ko, ano na kaya ang mangyayari sakin at sa kanya... malaking pag aadjust to para sakin... and i really dont know what to do!!!! kasabay siguro ng pag alis nya papuntang u.s. yun din yung time na mawawalan nako ng trabaho... sad talaga ako, para bang they will do something talaga para mawala ako sa paningin ni N... sana nga hindi ganon... pero yun ang tumatakbo sa isip ko...

aalis na naman cya, ni hindi pa nga nya sinasabi sakin kung ano na ang plano nya... ako kailangan ko na talagang magsalita... pag naapunta cya dito.. kailangan ko ng ilabas lahat ng kinikimkim kong sama ng loob!!!! "naks ang drama" wish ko lang magawa ko,,, pag nakita ko na kasi cya, wala na!!! wala nakong masabi!! dahil alam ko magdedebate lang kami at cya na naman ang mananalo!!! palagi naman eh!!! kelan bako nagkaron ng boses sa lugar na to!!! wala ata akong matandaan???????
anyways, siguradong bakbakan na naman bukas dito at nandito na hari! este ang reyna pala...

sana lang pag umalis ka papuntang u.s. hindi moko makalimutang itext man lang... how i wish...

Sunday, August 14, 2005

Fear

im not yet ready to loose my job... pero i don't have any choice... nag aaral pa kapatid ko na ako ang sumusuporta... pati sa pamilya ko.. malaking kawalan.. hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos nito... tapos wala pa akong makausap man lang dito... o mapagsabihan ng problema ko... ni hindi ko nga alam kung hangang kailan ako dito... me problema rin siguro sa pag iisip ko... hindi ko pa kasi matanggap on the positive side tong mga nangyayari... puro negative yung tumatakbo s utak ko ngayon.....

my gulay!!!!! crayola effect na naman ang lola !!!
naover work ata ako,, masakit tuloy ang mga butu buto ko.. wala pa namang manghihilot sakin.. minsan iniisip ko kung kailangan ba talaga natin ng lalaki sa buhay... e puro sakit lang naman ang ibinibigay sa mga babae.. bihira na talaga ngayon ang lalaking faithful.. wala pa ata akong nakikitang ganun.. halos lahat ng nameet at nakilala kong lalaki puro me mga itinatagong fling!!! pag wala ka namang Bf malungkot din naman..
ang mas malungkot yung naturingang ma BF ka pero parang wala rin.. ni hindi ka man lang kamustahin kung kumain ka na.. ni hindi mo maaya na lumabas dahil ayaw talaga nya.. ni hindi ko maitanong sa kanya kung anu ginawa mo sa maghapon dahil for sure ang isasagot sakin ay " ano na nman yang drama mo?!" at ang masakit sa lahat hindi ka nya maipagmalaki na ikaw ang GF nya.. ni hindi ka mahawakan pag may ibang taong nakatingin.. sad talaga diba... minsan naman ramdam mo na mahal ka nya, pero mas marami yung pagkakataong hindi mo maramdaman... parang gusto mo na tuloy sumuko.. ang hirap talaga lalo na kung malaki ang agwat nyo sa estado ng pamumuhay...
eto pa isang dagdag... hindi ako umui samin sahil nga wala pang sweldo, tapos ni tawg o text man lang galing sa mga kapatid mo at magulang ay wala!!! pag hihingi ng pera, hewebes pa lang nagtatanong na kung uui ako!! nalulungkot talga ako ngayon dito... lalo na't wala ako kahit isang kaibigan dito na napaglalabasan ng sama ng loob ko... kausapin ko na lang si Lord..

Friday, August 12, 2005

kainis!!!

ayan na naman! umaariba na naman si madam claudia! kasalanan ko na naman kahit hindi!! my gudnezz! hangang kailan kaya ganito.. lalo akong nawawalan ng self confidence sa ginagawa nya sa totoo lang.. sana naman hipuin cya ni Lord para gumanda ang mood nya.. nakakatamad tuloy magtrabaho... buti na lang nanjan c *tut* medyo nakontrol nya ang sitwasyon... hay! ang hirap talagang maging mahirap.. at ang ulan naman!!! ayaw paawat!!! magtu two weeks na atang umuulan, mahal na mahal talaga ng bagyo ang pilipinas... hindi tuloy matapos tapos ang project namin dito.. kaya lang pagnatapos nato bka kasabay na rin akong matapos a.. mag-aaral nga ako diba.. di pa ata buo ang desisyon ko... kailangan ko cigurong magpunta sa ina ng laging saklolo para humingi ng tulong...

Thursday, August 11, 2005

Sana!!!!

i've been working for 8 years, noong una assistant ng sekretarya tapos naging tagapag pamahala ng laundry shop, then after that naglagay din kami ng money changer dun din sa laundry shop so i have to take a seminar regarding sa mga dolyares na yan.. kung pano malalamang counterfeit o orig. then nagkaroon ng problema nawala ang laundry shop at money changer, then nagtayo naman ng restaurant sa mall... nag operate cya for 5 years until naging mahina na ang market o sadyang wala na talagang pera ang mga tao dito, sinara na rin.. i manage it, pero tinginko hindi ko ngawa ang lahat para maging maganda ang takbo ng resto.. or hindi ko pa talaga kayang humawak ng kayraming tauhan.. then now we have a project na hangang ngayon ay nahihirapan kaming ibenta... lahat ng business na yan isa lang ang amo ko... then ngayon, my boss offered me something na pag aaralin daw nya ako ng college kumuha daw ako ng nursing.. i only finished second year high school, so kailangan ko pang kumuha ng acceleration test para makapag college ako.. i want to learn pero natatakot ako.. na baka hindi ako makapasa, na baka madis appoint yung tutulong sakin.. kailangan ko na ring itigil ang trabaho ko which is difficult for me dahil hindi ko alam kung ako kukuha ng pang suporta sa sarili ko... naguguluhan ako... kakaisip... tingin mo anong dapat kong gawin???

Friday, August 05, 2005

Tag-ulan!

Ganda ng umaga ko.. imagine 5am pa lang nakabantay nako sa ulan at baka bahain ang opisina ko! my gulay.... pag minamalas ka nga naman o.. at mag hapon umuulan ngayon infairnezzzz! tinawagan nako ni papa kaso ang bozez!!! naka angil na naman... hmp!!! feeeling nya talaga patayna patay talaga ako sa kanya at pwedeng laging ganun ang attitude nya sakin.. hmp!! tingnan natin.... baka nakakalimutan nyang nasa huli ang pagsisisi!! hehehe... cencya napo.. nagpi feeeling maganda lang ako..

Wednesday, August 03, 2005

Okey na Rin

hello... tapos na naman ang isang araw sa opizzz.. dumating ang labs ko kanina... medyo gumaan ang loob ko, namiz kocya infairnez! kaya lang parang hindi nyako namiz..
lungkot pa rin ako e.. ewan ko ba!! nasobrahan ata tong puso ko sa kanya!! kaya hayan tuloy!! kung anuano ang naiisip ko kapag hindi cya nagtetx o tumatawag.. babaero kasi e!!
hindi ko alam kung tama nga yung ginigawa ko na ituloy yung relationship with him.. para naman kasing walang nangyayari.. akala mo sa pelikula lang nangyayri yung mga eksenang ayaw sayo ni madir... na kung anu anong masasamang salita ang maririnig mo... hay!!! na expiriyenz ko yun!! ewan nga kung bakit hangang ngayon nagpapakatanga pa rin ako sa kanya.. e hindi naman naniniwala sa kasal yung taong yun!!...
cguro darating din ang araw at magigising din ako sa katotohanan...
some other time ikukukwento ko ang buhay ko.. pero wag muna ngayon ha.. la nakong oraz e!! hehehe... pinapatawa ko na lang ang sarili ko.. pero ang totoo nyan e sad talaga ako sa mga pangyayari sa haybu ko ngayon..

Monday, August 01, 2005

Hay Tenk yu!!

hay salamat po! at naimbento itong blog na ito... at least ngayon, kahit wala akong makausap dito... me pagkakaabalahan naman ako... kayo na lang ang kakausapin ko! hehehe....

anyways, hayways, i hope to have more friends here...